Art Camp

Lulan ng traysikel, agad sumalubong
Ang bagsak ng ulang katunog ng tambol;
Musikang pagbati ang hampas sa bubong
Galak ang nadama sa mga dagundong.

May sining ang Art Camp sa lahat ng sulok—
Aklat, pinta’t ukit maging ang alabok;
Sandosena kaming doon ay nagbuklod
Nang ang plumang punyal: gapos ay malagot.

Bagahe’y magaan sa aming pagtungo
Pinanggalingan man iba-ibang dako;
Ngunit nagtatagpos magagandang tagpo
At may mga kantong kaylangang lumiko.

Ang bigat sa dibdib ‘di na dumadagan
Laging nasa paang kayhirap ihakbang.

Comments

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started