Sinasagip ko ang sarili
Sa tiyak na pagkalunod.
Habang lumulubog
At lumalalim ang dagat,
Kinakalas ko isa-isa
Ang nakagapos na batong
Nagpapabigat sa dibdib;
Muli akong pagagaanin
Ng aking pananalig.
Mag-uumpisang ipadyak
Sa tubig ang mga paa,
Habang ikinakampay ang kamay
At inaabot ang nakaabang
Na liwanag ng buwan.
Leave a comment