Aklat

Halaga ng Aklat: Php 220.00

Isang Sandali ng Paghinto: Mga Tula

Rowell DS. Ulang

Sapagkat ang paglalakad ay panalangin ng katawan, narito sa koleksiyong ito ang ikalawang likong kalye galing sa plasang pambayan. Ang damong paragis na tumubo lamang sa pilat ng sementadong bangketa. Ang paulit-ulit ang paalala ni Mama na palaging isukbit ang bag sa harapan. Ang bakurang parang hindi, kailanman, nawalan ng punong aratiles. Ang langit na miserableng umiiyak. Ang umuugang upuan. Ang asong nagtago sa likod ng aparador. Ang sinanay sa pananatili, sa pagbabalik, at sa hindi paglayo. Ang umalis at umuwi nang mag-isa. Ang isang sandali ng paghinto. At pagkatapos, nagpatuloy nang maglakad. At pagkatapos, magpapatuloy pa ring maglakad . . .

Sukat: 4.1″ x 5.8″

Pahina: 104

Bilang ng Tula: 47

Taon ng Paglilimbag: 2026

Paunawa:
Sariling likha ng may-akda ang aklat na ito. Siya mismo ang nagsagawa ng mga proseso ng produksiyon kabilang ang pagsusulat, pagwawasto, pag-aayos ng pormat, at paglilimbag. Walang propesyonal na tagapaglathala, tagawasto, o serbisyong panlabas na nakibahagi sa paggawa ng aklat na ito.


Maglagay ng Order

Punan ng mga impormasyon upang umorder ng aklat. Ipadadala sa iyong email ang mga detalye ng pagbabayad, saka ihahanda ang iyong order para sa pagpapadala.

← Back

Thank you for your response. ✨

Pumili ng Aklat(kinakailangan)

Design a site like this with WordPress.com
Get started