Nagbabadyang bumagsak
Ang ulan mula ulap;
Naabot man ang langit
Sa lupa rin babalik.
Author: Papagayo
-
Art Camp
Lulan ng traysikel, agad sumalubong
Ang bagsak ng ulang katunog ng tambol;
Musikang pagbati ang hampas sa bubong
Galak ang nadama sa mga dagundong.May sining ang Art Camp sa lahat ng sulok—
Aklat, pinta’t ukit maging ang alabok;
Sandosena kaming doon ay nagbuklod
Nang ang plumang punyal: gapos ay malagot.Bagahe’y magaan sa aming pagtungo
Pinanggalingan man iba-ibang dako;
Ngunit nagtatagpos magagandang tagpo
At may mga kantong kaylangang lumiko.Ang bigat sa dibdib ‘di na dumadagan
Laging nasa paang kayhirap ihakbang.